Mga naiwang asawa ng SAF 44, binigyan ng trabaho ng GSIS
- Thea Janica Teh
- Feb 2, 2019
- 2 min read
HELLO, Bulgarians! Bilang pag-alala sa mga pumanaw na Special Action Force (SAF) 44 noong 2015, hindi pinabayaan ng Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa mga asawa nitong naiwan.
Noong 2018, nagbukas ang GSIS branch sa Zamboanga at dito rin ipinasok ang mga asawa ng SAF 44. Sinabi rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng prayoridad ang mga naiwang kaanak nito at bigyan ng magandang trabaho para matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Nagsimula ang apat noong December 2018, bilang personnel sa ilalim ng standard operating procedure.
Ibinahagi ni Lhea Tabdi, isa sa mga naiwan ng kanyang asawa na si Police Senior Inspector Gednat Tabdi na dati siyang health worker sa City Health Office sa Lamitan City. Napilitan siyang mag-resign para maalagaan ang kanyang tatlong anak matapos ang trahedya. Kaya naman, masaya siyang nabigyan muli ng trabaho ng GSIS. “Alam ko, ito rin ang gusto ng asawa ko, na ipagpatuloy ko ang buhay ko. Kapag sa bahay lang ako, ang daming iniisip”, kuwento niya.
Ang ilan pang napasok sa GSIS ay sina Emeliza Danao, asawa ni Police Officer 2 Walner F. Danao; Margaret Manuel, asawa ni Police Officer 2 Joel B. Dulnuan at Adelisa Bedua, asawa ni Police Officer 2 Glenn B. Bedua.
Malaking tulong para sa mga asawa ng pumanaw ang pagbibigay ng maayos na trabaho dahil hindi lang sila nalilibang kundi nakatutulong din sa pang-araw-araw na gastos at pantustos sa kanilang mga anak.
Bukod pa rito ay nabibigyan din sila ng EC pension ng GSIS. Ang GSIS din ang unang ahensiya sa ilalim ng administrasyong pinamumunuan ni Pangulong Duterte na magbigay ng assistance sa pamilya ng SAF 44.
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments