Habang nagko-cover ng rally | 3 DAYUHANG JOURNALISTS, ARESTADO
TATLONG foreign journalists at isang driver ang inaresto sa Venezuela habang nagko-cover ng krisis sa naturang bansa.
Ang mga nahuli ay sina Leonardo Muñoz, photographer at kanyang Venezuelan driver na si Jose Salas habang nagsasagawa ng pag-uulat tungkol sa kilos-protesta laban sa gobyerno.
Samantala, matapos ang ilang oras, sumunod na inaresto ng intelligence officers ang Spanish reporter na sina Gonzalo Domínguez Loeda at Colombian TV Producer Mauren Barriga Vargas sa mismong hotel na tinutuluyan nito.
Kinumpirma ni EFE Bureau Chief sa Caracas na si Nelida Fernandez, gayunman, kagagaling lamang ng news team sa Bogota sa unang bahagi ng Enero.
Una rito, inaresto at ipina-deport ng Maduro government ang dalawang Chilean reporters na ikinulong nitong Linggo.
Matatandaang, inaakusahan ng pandaraya si Venezuelan President Nicolas Maduro na nasa likod ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.





Comments