Ex-chairman dedbol sa drug-bust
- Pabs Hernandez III
- Feb 2, 2019
- 1 min read
SORSOGON—Isang dating barangay chairman ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Binanuahan, Pilar sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si ex-Chairman Roy Lumbao, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na darakpin sana sa drug-bust operation si Lumbao, pero nanlaban ito at pinagbabaril ang mga awtoridad.
Agad namang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments