ALTAS, BINULAGA ANG AU, ALMODIEL AT ROSALES, LODI!
- BULGAR

- Feb 2, 2019
- 2 min read

NAGSIPANALO ang mga teams ng Perpetual Help kahapon sa Game 1 ng 94th NCAA Volleyball tournament finals sa FilOil Flying V Center, San Juan City.
Binulaga ng Lady Altas ang defending champion Arellano University, 21-25, 25-17, 25-21, 25-20 matapos silang akbayan nina Cindy Imbo at setter Necelle Gual.
Lumakas ang tsansa ng Altas na masilo muli ang korona matapos nilang kalusin ang College of Saint Benilde, 23-25, 25-20, 23-25, 25-23, 15-12 sa kanilang best-of-three finals.
Nagpakitang gilas si last year’s rookie/Most Valuable Player Joebert Almodiel matapos ilista ang 21 points, lahat galing sa kills, 17 excellent receptions at 11 digs para sa Perpetual Help habang bumakas si Ronniel Rosales ng 19 markers.
Kinaldag naman ng Junior Altas ang Letran Squires, 25-15, 25-19, 25-19 upang lumapit sa target na five-peat feat.
Pagkakataon ng Perpetual Help na masilo ang lahat ng titulo sa Biyernes, nakagawa pa lang nito ay ang Ateneo noong miyembro pa sila sa NCAA at San Sebastian College.
Taong 1976 nang mawalis ng Ateneo ang tatlong korona habang limang beses hinakot ng San Sebastian College ang lahat ng titulo noong 1984, 1994, 1995, 1997 at 2002. Mga laro sa Biyernes: (FilOil Flying V Centre) 1:30 p.m. – Individual Awards Ceremony 2 p.m. – CSB vs UPHSD (Men Finals)
4 p.m. – UPHSD vs AU (Women Finals)
Samantala, aminado si Philippine national team head coach Yeng Guiao na kinukulang na raw sila sa panahon para sa kanilang paghahanda sa krusyal na 6th at last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Pinanghihinayangan umano ni Guiao ang kakakulangan nila sa tune-up games para sana mas mahasa pa ang Gilas Pilipinas bago ang last 2 road games laban sa Qatar (Pebrero 21) at Kazakhstan (Pebrero 24).
Inaasahan na niyang maganda ang kondisyon ni Andray Blatche sa pagdating nito kagabi sa bansa. Aniya, wala naman siyang nakitang problema sa fitness ng 6-foot-11 big man para makapaglaro sa national squad. Nanggaling pa raw sa China si Blatche na naglalaro ngayon para sa Tianjin Gold Lions ng Chinese Basketball Association (CBA). (ATD)





Comments