4 NA SULTADOR, NANGUNA SA WSC A


APAT na kalahok ang lumapit sa kampeonato ng “2019 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby” matapos kumulekta ng limang panalo noong Huwebes, Enero 31 sa Smart Araneta Coliseum.
Malinis na 5-0 (panalo -talo) kartada ang hawak nina Elmer Stoka ng Guam, Jomel Gatlabayan and RGBA Friends, A. Bernos ng Abra at Claude Bautista patungo sa 4 -cock grand finals sa Peb. 6.
Ikatlo at huling semifinal round ang bibira ngayon, Sabado, Peb. 2 tampok ang world class na mga sultada bukod sa tsansang manalo ng 32" inch LED tv sa Powertrac’s raffle promo.
Aabot sa 90 sultada ang ihahatid ng Thunderbird, Pitgames Media at Sabong Pilipinas.
May matibay na suporta ni Pitgames Media CEO Manny Berbano ang derby na ito ng Pintakasi of Champions.
Magtatangka sa limang panalo sina Nathan Jumper ng Missisipi at partner Celso Evangelista ng LGBA (dalawang entries), Nene Araneta, Biboy Enriquez, Kano Raya, Boy Guinto, Cris Aguas, Rodolfo Pineda, Emil Tiu, Raffy Zaide, Choi Ampil, Santi Sierra, Magno Lim, Ruben Tan at ang tropa nina Felix, RC at Eddie Gatchalian.
Umpisa ang 3-day finals bukas. Ang iskedyul: Peb. 3 at 4 (4 -cock finals ng entries na may 2, 2.5, 3 at 3.5 points) at Peb. 6 (4 -cock grand finals ng 4, 4.5 at 5 points. (MC)





Comments