top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

‘Ika nga, no dyowa, no problem... MGA PARAAN PARA I-CELEBRATE ANG VALENTINE’S DAY KASAMA ANG MGA KAI

Donna Thea Topacio
Feb 2, 2019
2 min read

SINGLE ka ba sa Valentine’s Day? Oks lang ‘yan, ‘yung bar­kada mo rin naman!

Hindi big deal kung wala tayong dyowa sa “Araw ng mga Puso” kasi ma­­rami na­mang dahilan para ma-ce­lebrate ang araw na ‘yun. Awat na sa pa­giging bitter dahil ang Va­­len­tine’s Day ay para sa lahat, kahit para sa ating mga single. Kaya, narito ang ilang super fun tips para ma-enjoy natin ang Valentine’s Day kasama ang ating barkada:

1. GO ON A SHOPPING SPREE. Sabi nga nila, universal language para sa kababaihan ang pagsa-“shopping” wala nang mahabang paliwanag dahil alam na kaagad nila ito. Sa rami ng stress na nararanasan ng bawat isa, everyday, maliit na bagay lang ang pagsa-shop­ping para makabawi, pero mas cool ka­pag kasama natin sila beshie! Okidoki?

2. GET MAKEOVERS TOGE­­THER. Kung may budget tayo, gora na tayo sa salon, pero kung medyo tipid-tipiran, eh, sa bahay na lang muna. He-he-he! Puwede tayong mag-overnight tapos mani-pedi, try natin ‘yung mga trending na hairstyle, isipin n’yo na lang na hindi man kayo palaging masaya, palagi naman kayong maganda, ganern!

3. HAVE A ROM-COM MARA­THON. ‘Yung tipong tamang chill lang tayo habang nanonood ng mga rom-com movie, as in, ‘yung super naka­ki­kilig. Sob­rang oks na bonding ito kasa­ma ang tropa, at least, kahit wala tayong dyowa, eh, kilig over load pa rin!

4. FOOD TRIP. Siyempre, nakatata­mad kung gutom tayo sa Valentine’s Day, ‘di ba? Perfect ang food trip habang nag­kukuwentuhan tayo tungkol sa mga kalo­kohan at happy memories natin kasama sila. Wala munang diet-diet! He-he-he!

5. EXCHANGE GIFTS. Good idea ito, lalo na at wala naman tayong aasahang magbibigay sa atin kaya, tayo-tayo na lang, chos! Sa totoo lang, kahit simple lang ang ibigay natin basta galing sa puso at hindi tayo napipilitan, maa-appreciate ‘yan ng ating mga kaibigan. Alam mo na, ‘wag ka munang kuripot, ha?

6. EMBRACE THE OUTDOORS. Puwede tayong mag-road trip at nature tripping at the same time, tapos magkakantahan kayo habang nasa biyahe, sobrang barkada goals talaga! Nakapag-bonding na kayo ng tropa, nakapag-relax ka pa, ayos!

7 . GO THE ARTSY MILE. Kung medyo art enthu­siast naman tayo, gora na sa mga museum. Gamitin natin ang pagkakataong ito para makapag-bonding habang natututo ng mga bagong kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay, for sure, mag-e-enjoy talaga tayo rito, beshy!

Truly na dapat sulitin natin ang bawat araw na kasama ang ating mga kaibigan at kahit next year kung may dyowa na ang isa sa inyo o tayo mismo, huwag nating kalilimutang may­roon tayong mga kaibigan na palaging nand’yan, lalo na kung kailangan natin sila.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page