top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lalo na at dumaranas si mamshie ng post partum depression... BREASTFEEDING, EPEKTIB NA PANLABAN SA S

Jersey Sanchez
Feb 1, 2019
2 min read

INIREREKOMENDA ng mga eksperto ang manual o breastfeeding sa mga sanggol hanggang sa ika-anim na buwang gulang dahil umano sa benepisyo na makukuha ng sanggol mula rito. Pero, knows ba ninyo na ang breastfeeding moms ay mayroon ding makukuhang benepisyo na may kaugnayan sa mental health? Weh, ‘di nga?

Ayon sa pag-aaral, ang mga ina na nagbe-breastfeed ay may mas mababang tsansa sa pagka­karoon ng mental health problem sa pag­lipas ng panahon.

Ayon kay Dr. Sangshin Patk, lead author ng nasabing pag-aaral, hindi la­mang ang sanggol ang nakakukuha ng benepisyo ng breast­feeding kundi ma­ging ang mental health din ng mga ina.

Isinagawa ang nasabing pag-aaral sa 1,200 ina na nasa edad 50 kung saan ilang impormasyon ang hiningi sa mga ito kabilang ang history ng kanilang pamilya, bilang ng mga anak, gaano kahabang panahon sila nagpa-breastfeed, gayundin, ang sitwasyon ng kanilang mental health.

Matapos suriin ang mga datos na nakuha sa mga kalahok, napag-alaman ng mga researcher na bumaba ng 63% ang tsansa sa pagkakaroon ng depresyon ng kababaihan na nagpa-breastfeed sa loob ng 47 buwan kumpara sa breastfeeding mom na mas mababa sa 24 na buwan.

Ayon sa mga eksperto, natural na nagkakaroon ng body fat ang buntis kung saan nakatutulong ang pagbe-breastfeed upang matunaw ang mga taba na ito dahil may inilalabas silang hormone na nakatutulong sa pag­kontrol ng timbang sa tuwing nagbe-breastfeed sila.

Gayunman, kung hindi mag­be-breastfeed ang ina, maaari umanong magresulta ng diabetes at hypertension ang mga hindi natunaw na taba at posible rin itong maka-trigger ng depresyon o ibang pang mental illness.

Maliban pa rito, mayroon uma­nong nakaka­kal­mang implu­wen­siya ang pagbe-breast­feed dahil sa skin-to-skin contact ng ina at ng kanyang anak.

Ayon din sa pag-aaral, nagre-release ng calming hormone na oxytocin ang ina kung saan ito ang tumutu­long na mag­pababa sa cortisol o stress hormone upang maba­wasan ang sleepless at stressful nights ng mga ina.

Kung hindi uma­no nakara­ranas ng sakit o hindi pagiging kom­portable ang breastfeeding mom, senyales ito na mag­ka­karoon na siya ng magandang lebel ng positive hormone sa kanyang katawan.

Oh, sa mga bet ng maging mamshie r’yan, ngayong alam n'yo na ang mga bene­pisyong maaari ninyong makuha mula sa pagbe-breastfeed, make sure na gagawin n’yo to, ha?

Huwag n’yo ring kalilimutang uminom ng supplements para gumanda ang inyong milk supply. Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page