top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

IM BANCOD, TOPSEED SA MCC, NM EMPERADO, MAY IBUBUGA

Eddie M. Paez, Jr.
Feb 1, 2019
1 min read

PINATUNAYAN ni International Master Ronald Bancod na angkop sa kanya ang “topseed” tag nang dominahin niya ang oposisyon samantalang nagpakita ng potensiyal ang isang 15-anyos na unrated woodpusher nang mapabilang ito sa malaking grupo ng mga kalahok na nagsosyo sa panglimang puwesto ng 2019 Metropolitan Chess Club (MCC) Standard Chess Tournament sa Star Mall ng Mandaluyong.

Anim na panalo at isang tabla gayundin ang 2428 na performance rating ang naging armas ni Bancod, sa pag-akyat sa trono samantalang anim na puntos ang ginawang tulay ni National Master Emmanuel Emperado para makopo ang runner-up honors.

Si IM Barlo Nadera ang kumuha ng pangatlong puwesto sa torneong inorganisa ni dating national team mainstay Mila Emperado dala ang 5.5 puntos na rekord matapos maungusan sa tiebreak si Jericho Santiaguel.

Sa pulutong ng chessers na nakaipon ng limang puntos, isang binatilyo ang nagparamdam.

Ito’y si Joseph Lawrence Rivera, 15-taong-gulang, na kahit pang-64 lang sa pre-tournament seedings ng kompetisyong umakit ng 68 disipulo ng chess ay untitled at unrated din.

Samantala, nakipaghatian ng puntos si Grandmaster Wesley So kay French GM Maxime Lagrade sa round 8 ng malupit na Gibraltar Masters Chess.

Ang tubong Cavite na chesser ay isang puntos sa likod ng tumatrangkong dalawang Ruso at isang pambato ng Czech Republic ngayong papasok na sa homestretch ang bakbakan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page