Fans, nag-panic na Kapuso na ang aktor…ENCHONG, PASOK SA EAT BULAGA!

Nitz Miralles / BIDA

NAG-PANIC agad ang mga fans ni Enchong Dee nang mabasa ang tweet nitong “Na-excite akong makapasok sa Eat…Bulaga!” lalo na nang sumagot si Janine Gutierrez ng: “WAAAAH @enchongdee777.”
Akala ng mga fans nito, lumipat na sa GMA-7 si Enchong at Kapuso na. Hindi yata nabalitaan ng mga nag-panic na fans na kari-renew lang ng aktor ng kontrata sa ABS-CBN.
Pinayapa ng mga kapwa fans ang takot ng ilang supporters na iiwan na ni Enchong ang ABS-CBN at ipinaalam na magge-guest lang ang aktor sa EB! para i-promote ang February 6 showing ng Elise.
Bukas (Sabado) na ang guesting ni Enchong sa Eat... Bulaga! kasama sina Janine at Jackielou Blanco. In fact, ipina-plug na ito ng show at in-announce ni Joey de Leon kahapon. First time magge-guest si Enchong sa Eat... Bulaga! at first time ring mapapanood sa GMA-7.





Comments