7 KARERA SA SANTA ANA

AALAGWA ngayon ang pitong karera na paglalabanan ng Condition Race, Group Race 3 Year Old and Above Maiden Race sa tagpong magaganap sa Santa Ana Park, Naic, Cavite ngayong gabi.
Maghaharap sa pagtikada ng Race 1 kasabay ng Winner-Take-All (WTA) ang pitong mananakbo mula sa Condition Race (21). Pinapaboran sa laban na ito ang Smart Tyler habang ang Starlight ang makakalaban habang magbabanta naman ang Lipra’s Choice.
Susundan ng paghaharap sa Race 2 na panimula ng Pick 6 sa CD Race 22, binibigyan ng malaking panalo ang Vera Cruz, habang ang Plug Ceremony at Maincore Sunspots ang makakalaban. Sa Race 3 na panimula ng Pick 5 event maglalaban ang Beautiful Star, couple entry na Magic Wallet at Watch Out Amcoming sa CD Race 18.
Susunod na maghaharap sa Race 4 kasabay ng Pick 4 event, ang anim na kabayo at pinapaboran ang Oceanside, habang ang Creative, Standout at Boss Gee ay magbabanta sa Group Race (11).
Magsisilbing parating ang Wessfacckol, Warrior Heart, ang couple entry na Here and Beyond at Daldalero sa CD Race (21) sa Race 5. Magkakasubukan ang pitong kalahok sa Race 6 na magsisilbing paratingan ang mananakbo Money For Shelltex at Barumbado.
Mahigpit na maglalaban para sa inyong mga paratingan sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4 ang mga kalahok na Sunshot at Joem’s Gal sa huling yugto ng Race 7. Tip ni Mang Ding Race 1- Smart Tyler (2) Lirpa’s Choice (5) Starlight(6) Race 2- Vera Cruz (6) Plug Ceremony (3) Race 3- Entry No.5 Beautiful Star (2) Break and Shine(4) Race 4- Oceanside (2) Boss Gee(3) Race 5- Entry No.2 Wessfacckol (7) Daanbantayan(8) Race 6- Money For Shelltex (3) Barumbado(6) Race 7- Sunshot (6) Joem’s Gal (5) Del Monte (7).





Comments