top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Superstar, daming arte, pinalitan niya sa movie… SIGAW NI SYLVIA: PLS. WAG NYO AKONG IKUMPARA KAY NO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 31, 2019
  • 3 min read

IT was revealed at the Jesusa presscon na si Superstar Nora Aunor pala ang first choice talaga ng direktor na si Ronald Carballo para maging bida sa naturang pelikula.

Ayon sa direktor, noong una pa man ay si Ate Guy lang ang naiisip niya para sa project at nagsalita pa raw siya na hindi niya gagawin ang movie kung hindi ang Superstar ang kanyang bida.

Kung paano nangyari’t nagdesisyon siyang palitan si Guy at kunin instead si Sylvia Sanchez ay ikinuwento ito nang buung-buo ng direktor.

Sey ni Direk Ronald, nagkita’t nag-usap sila nang maayos ni Guy about the film. Maraming kondisyon ang Superstar at pumayag siya sa lahat ng gusto nitong mangyari.

Isa nga sa mga kondisyon ni Guy ay iba raw ang day effect sa night effect shooting nito.

“So, ‘yung one day (shooting), definitely, magiging 2 days. Kasi, ‘pag day effect lang daw siya, 8 AM to 5 PM lang siya. ‘Pag night effect siya, 4 PM lang siya to 9 PM. So, mahahati into two days talaga ‘yung isang araw,” kuwento ni Direk Ronald.

So, sa madaling sabi, pumayag siya at ginawa na ang kontrata, na ang nakalagay naman sa contract ay ‘yung lahat ng napag-usapan nila.

Pero nang magpipirmahan na ay nabago na ang isip ng Superstar at maraming mga tinatanong pa gayung nagkasara na nga sila verbally.

Hanggang sa nagdesisyon na rin sila ng producer at ng buong production team na palitan na si Guy.

“Gabi ko itinawag sa handler (ni Nora) na papalitan na siya. The following day, as early as 8 AM, tumatawag ‘yung handler at sinabing pumapayag na raw si Ate Guy sa kung anumang lahat ng nakalagay sa contract.

“So, hindi na ako talaga pumayag kasi unang-una, sabi ko, imi-meet ko na ‘yung ipapalit namin sa kanya. At ito nga ay si Ibyang.”

At ngayong tapos na ang pelikula, laking-pasasalamat ng direktor na si Ibyang ang kinuha niya at siguro nga, blessing in disguise raw na hindi sila nagkaayos ng Superstar.

“Nu’ng napunta kay Sylvia, talagang nabura lahat ‘yung sinabi kong hindi ko gagawin ang pelikula kung hindi si Nora Aunor kasi nakita ko kung gaano ka-professional si Miss Sylvia Sanchez, kung paano niya tinackle ‘yung role, na eventually, naisip ko talaga na siya talaga ‘yung ibinigay para lalong mapaganda ‘yung pelikula at maisabuhay ‘yung isang materyal na pangarap ko talagang gawin na matagal kong itinago,” pahayag pa ng direktor.

Nang matanong naman si Sylvia, diretsahan nang sinabi ng aktres na sana naman daw ay huwag silang pagkumparahin ni Ate Guy dahil lang sa pinalitan niya ito sa Jesusa.

“Gusto ko lang sabihin na please, huwag n’yong gawin na i-compare ako kay Ate Guy kasi ni katiting sa narating ni Ate Guy, hindi ko narating ‘yun. Ate Guy is Ate Guy, no comparison. Irespeto natin ang Superstar dahil pinaghirapan ni Ate Guy ‘yan. Pinaghirapan niya ‘yan,” pahayag ni Ibyang.

“Isa ako sa mga rumerespeto at humahanga kay Miss Nora Aunor, sa Superstar natin. At kahit ano’ng mangyari, kahit hindi niya ‘to nagawa, ako ang gumawa, ‘di niya natanggap, ako ang tumanggap, lalapit pa rin ako sa kanya at sasabihin ko nang walang yabang, ‘Ikaw pa rin ang nasa top. Ikaw pa rin ang inirerespeto ko. Ikaw pa rin ang nag-iisang Nora Aunor,’” pahayag ni Ibyang na pinalakpakan ng mga press.

Ang Jesusa ay mula sa OEPM Productions at kasama rin sa cast sina Ynez Veneracion, Allen Dizon, Malu Barry, Uno Santiago, Beverly Salviejo at marami pang iba. Ipapalabas ito ngayong summer.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page