top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Shoutout sa mga beshy natin diyan na palaging nang-i-indian... TIPS PARA SA MGA NAGI-GUILTY DAHIL TU

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2019
2 min read

HINDI madaling tanggihan ang ating mga kaibigan tuwing nagyayaya silang lumabas o makipag-bonding. Pero, paano kung dehins talaga natin keri dahil sa ating schedule o iba pang responsibilidad? Nakagi-guilty namang tumanggi dahil for sure, may babanat ng “minsan na nga lang tayo magkita-kita, hindi ka pa sasama”, hmmm… no need to worry mga beshy dahil narito na ang tips para hindi kayo ma-guilty kapag nag-‘no’ kayo sa inyong mga beshy:

1. BE HONEST. May mga pagkakaibigan nang nasira dahil sa hindi pagsasabi ng totoo. Matanda na tayo, mga beshy, kaya mas mabuting maging totoo tayo sa mga dahilan natin tuwing tayo ay tatanggi sa mga lakad ng barkada. Hindi magandang gumamit ng alibi para lang hindi makasama sa mga kaibigan mo, baka mamaya dahil sa kung anu-anong alibi mo, eh, madulas ka pa at mahuli nila. Tsk-tsk-tsk!

2. BE POLITE BUT FIRM. “Sorry, hindi ko kayang sumama ngayon, next time na lang, ha?” Isa ito sa magandang paraan ng pagtanggi nang hindi mao-offend ang kaibigan mong nang-invite sa’yo. Kailangan mong sabihin nang mahinahon ang iyong desisyon, ngunit, kailangan mong ipaintindi na buo na ang iyong desisyon. Copy?

3. IF THEY CAN’T ACCEPT “NO”, IT’S THEIR PROBLEM. May mga kaibigan talaga tayo na ayaw nang natatanggihan lalo na kung nasanay sila na palagi kang sumasama sa mga lakad nila. Kaya mga beshy, hindi ikaw ang responsable sa mararamdaman nila dahil tao ka rin na mayroong sariling responsibilidad sa pamilya, trabaho o paaralan.

4. NO MEANS NO. Kapag sinabi mong ‘hindi’, beshy, make sure na hindi ka na mapipilit pa. Ang pagsabi ng “no” o pagtanggi ay isang paraan ng pagpapahayag ng iyong desisyon. Kung tumanggi ka, ngunit, pinilit ka pa rin, isa itong senyales na hindi nila pinahahalagahan ang iyong desisyon.

5. DON’T FEEL GUILTY. Aminin na natin na walang perpektong kaibigan, kaya hindi sa lahat ng oras, eh, puwede natin silang makasama. Kung tunay silang kaibigan, tiyak na maiintindihan nila ang desisyon mo, gayundin, may mga susunod pang pagkakataon para lumabas kayo.

6. ALLOW YOURSELF TO BE A HUMAN. May mga pagkakataon talaga na hindi natin trip sumama dahil kung minsan ay pagod tayo sa trabaho o gawaing-bahay. Ayon sa mga eksperto, hindi masama na gamitin itong excuse dahil ‘ika nga nila, “tao lang, napapagod din”. Ooops!

Dahil tumatanda na tayo, siguradong maiintindihan ng ating mga kaibigan kung paminsan-minsan, eh, hindi tayo makasasama sa kanila. Oks lang na hindi makasama, basta babawi tayo sa ibang pagkakataon. Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page