Sarili na lang daw muna ang aasikasuhin…JANELLA, NA-TRAUMA KAY ELMO, AYAW NA SA LALAKI


TRAUMA sa pag-ibig! ‘Yan ang kadalasang pinagdaraanan ng mga artista natin na kung hindi sila makabangon ay totoong nakakaapekto sa kanilang career.
But young as she is, mukhang determined si Janella Salvador sa anumang bitterness na pinagdaanan niya. It was a case of a disappointing first love.
Noon pa man, obvious ba na sobrang na-in love si Janella sa kanyang ka-love team na si Elmo Magalona? At willing siyang i-defy ang kanyang mom dahil lang sa pag-ibig na ito.
We think that time, she would even be willing to give her career for love’s sake. At ngayon, ang kanyang panibagong sigaw ay, “I’m just focusing on myself and that’s not showbiz. That’s serious.”
Na-realize niya after all na true ang kasabihang: “Mother knows best.” O, ‘di ba?
With her awakening plus her talents, we hope to see Janella will reach the height of her career.





Comments