top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para raw hindi paulit-ulit at nakasasawa, besh! 5 kakaibang gimik para sa valentine‘s day

  • Jersey Sanchez
  • Jan 31, 2019
  • 2 min read

SOBRANG bilis talaga ng panahon, akalain mo ‘yun “love month” na bukas? Malamang, kaliwa’t kanan na naman ang mga pakulo ng bawat isa para i-celebrate ito. Well, ganu’n talaga, ‘ika nga, “anything for love”, ehem! Kaya naman, narito ang ilang gimik na puwede nating i-try ngayong Valentine’s Day:

1. GO ON A P100 DATE. Ooops, sounds challenging ba? Sa totoo lang, masyado nang mainstream ang movie date, dinner date etc. So, paano natin mapagkakasya ang P100 budget?

Well, wala namang masama kung ie-explore natin ang street food at pumunta tayo sa mga park na free lang ang entrance, ganern!

2. DO SOMETHING EXTREME TOGETHER. Kung may budget naman at gusto ninyo ng kakaibang trip, ‘yung tipong “extreme”, why not to try hiking, surfing, sky diving etc.?

Paniguradong mag-e-enjoy talaga tayo rito at next level ang experience na ito, gayundin na relationship goals talaga!

3. WATCH A MOVIE OUTDOORS. Well, kung bet talaga ninyong manood ng movie, keri namang i-level-up ‘yan! Sa labas tayo manood ng movie, literal na labas, puwedeng sa veranda, balcony o kung saan puwede, he-he-he! Basta “under the night sky”!

Subukan natin ito para maiba naman dahil paniguradong super romantic nito, besh!

4. GET CRAFTY. Tara, isama natin si bae (before anyone else) sa art workshop. Trending ito ngayon at super nakare-relieve ng stress.

Isa pa, after n’yong gawin ang artwork ninyo, eh, keri ‘yan na ipanregalo sa isa’t isa, ‘di ba? Nakapag-date na kayo, nakatipid pa kayo sa regalo!

5. TAKE A SEGWAY-RIDING TOUR. Isipin n’yo na lang, para kayong nasa movie, ‘yung tipong escape the reality ang peg! Puwede kayong makapag-bonding habang nag-e-explore sa mga bagong lugar.

Tapos i-try ninyo ang mga pagkain doon at of course, picture, picture. Sulit talaga kasi may malalaman kayong bago, winner!

Anuman ang trip natin ngayong Valentine’s Day, tipid-tipiran man tayo o all out sa effort, ang mahalaga ay kasama natin ang taong nakapagpapasaya sa atin.

Sabi nga, kahit saan- man mapadpad o pumunta, oks lang basta ikaw ang kasama! Yiieee!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page