Oh, boy, ibinuking ka na ng ex-wife mo… MAHUSAY NA AKTOR, KUMAKANDIDATO LANG PARA MAGKADATUNG, NAKAB
- Erlinda Rapadas
- Jan 31, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
MAY mga showbiz observers ang nagbabantay sa ilang showbiz celebrities na pumapasok sa pulitika. Pinagdududahan nila ang sinseridad ng mga ito sa pagiging public servant. May mga artista/singers daw kasi na pumapasok lang sa political arena para pagkakitaan. Marami kasing nagdo-donate para sa kanilang campaign funds.
Isang not so young male singer na nawalan na ng career ang ilang beses nang kumakandidato sa iba’t ibang posisyon. Maraming fans abroad ang male singer dahil sumikat naman siya nang husto noon. Hanggang ngayon, marami pa ang nakakaalala sa kanyang mga hit songs.
Isang malapit na kaibigan ng singer ang nagbuking na hindi naman daw ginagamit sa kampanya ng male singer ang kanyang mga nakokolektang campaign funds. Subi lang siya nang subi kaya kahit na matalo, panalo pa rin ang bulsa niya.
Ang isa pang ginagawang negosyo ang pagkandidato ay ang mahusay na aktor. Ilang beses na rin siyang kumakandidato. Wais siya at dumidikit sa mayayaman at influential politicians. Ang ex-wife niya mismo ang nagbuking na maraming properties na naipundar ang aktor dahil sa mga nakokolekta nitong campaign funds. Maraming donations at sponsors kapag siya ay kumakandidato. Pero ngayon, nananahimik na ang aktor dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan niya.





Comments