Kahulugan na may lihim na galit sa mundo
- BULGAR

- Jan 31, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Rymaold ng Rymaold_Namacap@face- book.com
Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng naging pusa ang anak ko, tapos, nanaginip ako na may sumasanib sa akin na santo at kapag sinasaktan ako ng mga tao ay may nagaganap na tsunami? Gayundin, pagkagising ko matapos akong saniban ay ang sakit ng katawan ko at ‘yung mga mahal ko sa buhay ay namatay sa aking panaginip, pero kapag hinahawakan ko ay nabubuhay sila.
Naghihintay, Rymaold
Sa iyo Rymaold, Kapag sinaniban ang tao, hindi ibig sabihin nito ay masama na ang mangyayari, pero bakit may “sinasapian”? Una, may gusto siyang gawin, pero kulang ang kanyang kakayahan, kaya siya ay nangangailangan ng dagdag na lakas.
Kapag ang sumapi ay mga banal na nilalang, ibig sabihin, ang sinapian ay kulang sa kabanalan.
Ganito ang sabi ni Lord Jesus Christ, “kulang ang inyong pananampalataya, kaya mayroong mga bagay na hindi ninyo magawa.”
Balikan natin ang iyong mga panaginip, may lihim kang galit sa mundo, ito ang masasalamin sa anak mo na naging pusa at nagkakaroon ng tsunami kapag sinasaktan ka ng mga tao.
Dahil may galit ka, may mali sa buhay mo, kaya sinaniban ka ng santo na nagsasabing, ang pagsanib ng santo sa iyo ay para mawala ang galit mo sa mga tao at mapalitan ito ng pag-ibig.
Kapag ang pag-ibig na ang naghari sa buhay ng tao, magagawa na niya ang mga imposibleng bagay dahil totoo ang sinasabing “love is the most powerful force on earth”! Totoo kaya ito?
Nasusulat sa Bibliya ang tatlong bagay na pinahahalagahan ni God, ang Faith, Hope at Love! Sa tatlo, ano kaya ang “pinaka” sa lahat? Ano pa nga ba kundi love dahil, ‘ika nga, “ love is the greatest”! Dahil dito, ayon sa panaginip mo, may lihim na galit ka sa mundo, pero dapat mong mahalin ang mga tao.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo




Comments