top of page
Pokwang.jpg

HOROSCOPE | ENERO 31, 2019 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 31, 2019 (Huwebes): Iwasan mong magalit nang sa gayun ay magsilapit ang mga suwerte sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Palayain mo ang iyong sarili sa prob­lemang ikaw lang ang may im­bento. Bakit ka nag-iisip ng mga nega­tibo na hindi naman mangya­yari? Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-14-23-39-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hin­di maaawat ang takdang ka­pa­laran at kahit marami ang kontrabida sa buhay mo, ang mga suwerte ay patuloy na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-22-28-34-41.

GEMINI (May 21- June 20) - Maging alerto ka dahil ang na­pakalaking oportu­nidad ay ilalagay sa ha­rapan mo, kapag hindi mo ito pinansin, maaari itong mawala at ma­punta sa iba. Ma­su­werteng ku­lay-white. Tips sa lotto-11-14-26-30-37-44.

CANCER (June 21- July 22) - Kumilos ka nang sa ga­yun ay mag­ka­roon ka ng magandang kapalaran. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-16-24-28-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Simple lang ang susi sa masayang buhay. Ang mahabang pagpapaliwanag ay sakit lamang sa ulo at sanhi ng pag-aalala. Sanayin mo ang iyong sarili sa pagsa­got ng oo at hindi. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-20-27-41-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mabagal ang pag-unlad ng taong mabagal magpasya. Kaya ang payo sa iyo ay bilisan mo ang pag­papasya at huwag ka nang magdalawang-isip pa. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-6-11-14-26-34-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang buhay sa mundo dahil kahit marami ang hindi sumasang-ayon sa naka­sanayan mo, tiyak na sa huli ang pinakamagan­dang kapalaran ay ma­pasasaiyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-13-30-33-39-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lalong naduduwag ang duwag ha­bang ang mahina ang loob ay lalong pinanghihi­naan ng loob. Hindi ka dapat mapabilang sa ka­nila, pag-aralan mo kung pa­ano ka magiging mata­pang. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-8-19-20-22-28-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pilitin ang ayaw ma­niwala. Kapag nakita ni­lang tama ka, sila na mis­mo ang lalapit sa iyo. Sa pagkakataong ‘yun, ang gawin mo na lang ay mag­bingi-bingihan ka. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-18-21-26-34-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang ibigay mo. Huwag kang magpapaabuso sa ibang tao na ginagamit ka lang para umasenso. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-17-25-39-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ang sama ng loob ay pu­wedeng ma­ging sanhi ng karamda­man. Mas mabuting umi­was ka sa mga taong nag­papasakit sa iyong ulo. Ma­suwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-14-17-18-33-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung saan ma­luwag, doon ka. Ibig sabihin, huwag kang sumiksik sa lugar na hin­di ka naman kailangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-19-20-29-30-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page