Armadong driver dedo sa checkpoint
NUEVA ECIJA—Isang armadong driver ang napatay nang makipagbarilan sa mga awtoridad na nagmamando ng police checkpoint, kamakalawa sa Bgy. Bayanihan, Gapan City sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Edison Isidro, residente ng Bgy. Aduas Sur, Cabanatuan City.
Ayon sa ulat, hindi huminto sa checkpoint ang tricycle na minamaneho ni Isidro at nang tugisin ng pulisya ay pinagbabaril pa ng suspek ang mga awtoridad.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments