4 dedbol, 172 sugatan sa tornado
PATAY ang apat katao habang higit 100 ang sugatan matapos ang tornado sa Havana, Cuba.
Ayon kay Cuban President Miguel Diaz-Canel, 172 ang sugatan na kasalukuyan nang nagpapagaling sa iba’t ibang pagamutan.
Kabilang sa nagtamo ng pinsala ang mga nawasak na gusali, natanggal na mga bubong at mga sasakyang bumaligtad.
Gayundin, nawalan ng suplay ng kuryente ang malaking bahagi ng Havana.
Batay sa tala, ito ang unang pagkakataon na may tumamang tornado sa lugar matapos ang ilang dekada.
Gayunman, posible pa umanong tumaas ang bilang ng mga naapektuhan sa insidente.





Comments