Parak sugatan sa aksidente
ILOCOS NORTE—Isang pulis ang sugatan nang aksidenteng mahulog sa kanal ang sinasakyan nitong patrol car, kamakalawa sa Bgy. 5-San Vicente, Sarrat sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si P03 Boniemar Tomas, nakatalaga sa Sarrat Police Station.
Ayon sa ulat, nakasakay sa patrol car si Tomas, kasama ang isa pang pulis na si P01 William Gaoiran nang iwasan nila ang kasalubong na rumaragasang kotse kaya nahulog ang kanilang sasakyan sa kanal
Nabatid na tumama ang ulo ng biktima sa windshield ng patrol car at kasalukuyan nang ginagamot na siya sa ospital.





Comments