Matapos ipagtanggol sa kaaway… HIRIT NI LOLIT: DAPAT BIGYAN AKO NI KRIS NG DATUNG


NABASA namin sa isang tabloid (not BULGAR) last January 26 ang headline sa entertainment page stating “Lolit, Mga Pro-Kris, Kakasuhan ni Falcis”.
Sa isang Instagram post ni Lolit Solis, nagpiyesta ang mga followers niya kung saan umabot sa mahigit 1,000 ang nag-comment tungkol sa away nina Kris Aquino at Gretchen Barretto.
Sabi kasi ni Donya Lolit, dapat ay payuhan na nina Tony Boy at Dominique Cojuangco si Gretchen na huwag nang makipag-away kay Kris, dahil pati sila ay nadadamay sa galit ng ibang tao.
Tinawagan ni yours truly si Donya Lolit kung anik ang maisasagot niya sa isyung nabanggit. Ang sabi lang niya na very Lolit Solis ang tono ay, “Naku, ‘noh! Sabihin mo kay Kris, bigyan niya ako ng lawyer kung saka-sakali.
“Saka, tuparin niya ‘yung OPM niya sa akin… as in pangako na every three months ay give niya ako ng datung, ‘noh! Asan na? Maski nu’ng last Christmas, waley! Saka ‘yung gc ng S&R na worth P25 K, pakisabi kay Dindo Balares, pakipaalala niya kay Kris.”
O, devah, very Lolit Solis?
Ay, naku, Donya Lolit, para ‘di ka makasuhan ni Falcis, itaga mo sa utak mo ang saying na…“Ang away n’yo ay away n’yo lang… Ang away ko ay away ko lang..” tsuk, para iwas-pusoy, ganernnn!





Comments