Kaya raw nakabili na ng bahay… JOSHUA, IPINAGSIGAWANG KUMIKITA NANG MILYONES


IPINAGMAMALAKI ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia ang nabiling bagong bahay mula sa kanyang sariling pagsisikap.
Limang taon na sa industry si Joshua na nagsimula ang career bilang teen housemate sa bahay ni Kuya sa PBB.
Aminado siya na ang milyones na kinita nito mula sa kanyang mga endorsements (kabilang na rito ang malaking local fast food chain) ang ipinambili ng townhouse for his family.
“Actually ‘yung bahay na binili ko, ‘yung townhouse, parte lahat ‘yun ng pinaghirapan ko. Isa na ru’n ‘yung sa Jollibee Yum Burger. ‘Yung Jolly Hotdog kasi na endorsement, dumating siya nu’ng nabili ko na (ang bahay). So, para sa akin, mas gumaan ang pakiramdam ko kasi kalalabas ko lang ng pera, bumalik agad ‘yung blessing sa akin. Nabawi ko agad ‘yung inilabas ko. Kaya thankful ako kay Lord kasi hindi niya ako pinapabayaan dito sa industriya na ‘to,” paliwanag ng aktor.
May kasunod pa raw itong planong investment mula sa kanyang kinikita.
“Iniipon ko siya kasi hindi puwedeng labas lang nang labas ng pera. So, para sa akin, iipunin ko muna ‘yun. And then kapag nakapag-decide na akong ipundar na panibago, saka ko siya ilalabas ulit. So, ipon muna ulit.”
Pagkatapos ng teleseryeng The Good Son na nagbigay sa kanya ng acting awards at ng Ngayon at Kailanman na pinagsamahan nila ni Julia Barretto, Joshua is set to return with more projects this 2019 including a movie titled Block Z directed by Mikhail Red.
Bukod sa Block Z, excited na ibinalita ni Joshua, “Napakaraming movies (ang gagawin ko). Meron akong gagawing dalawa. Tapos, ang daming pagbabago. I’m excited na makita n’yo ‘yung pagbabago. At siguro, break muna ako sa soap. Wala pa naman ding lumalapit na gumawa ako. Sa ngayon, pelikula muna ako,” aniya sa isang panayam.





Comments