Cannabis treatment, sagot sa cancer, epilepsy etc.
- Thea Janica Teh
- Jan 30, 2019
- 2 min read

HELLO, Bulgarians! Kamakailan lamang ay binisita tayo ng Tikun Olam, ang first and foremost supplier ng medical cannabis sa Israel at leading medical cannabis company sa buong mundo. Sila ang may hawak ng pinakamalaking Extensive Patient Treatment Database at napagamot ang halos 20,000 pasyente.
Ano ba ang cannabis treatment? Ang cannabis sativa ay annual plant na originated sa Central Asia na ginagamit sa medicinal purposes sa loob ng 3,000 taon. Ang mga biologically active compound ay tinatawag na cannabinoids at ngayon ay 140 na ang na-identified.
Sinu-sino ba ang nasa likod ng Tikun Olam? Ito ay sina Professor Zvi Bentwich, chief scientific advisor at pinakaunang doktor sa Israel na gumamit ng medical cannabis; Lihi Bar-Lev Scheider, Head of Clinical Research na nagko-conduct ng partnership sa leading medical center at university sa buong mundo at CEO Aharon Lutzky, na unang sumuporta dahil sa nangyari sa kanyang anak. Dahil sa nangyaring aksidente, tinanggal ang kamay ng kanyang anak at bilang bahagi ng rehabilitation process, dito niya nakilala ang pain reliever ng Tikun Olam.
Ilan sa mga sakit na napatunayan ng napagaling sa pamamagitan ng cannabis treatment ay ang spastic diseases tulad ng multiple sclerosis, CP, spinal cord injuries; chronic pain (neuropathic pain); PTSD, epilepsy, Tourette syndrome, Parkinson’s disease, inflammatory bowel disease (colitis and Crohn’s disease), glaucoma, rheumatic and inflammatory diseases, cancer, HIV/AIDS, palliative, supportive care nagpe-prevent ng nausea at vomiting, ginagamit din bilang pain reliever, encouragement of appetite, prevent weight loss at marami pang iba.
Sabi nga ni Miss Universe 2018 Catriona Gray tungkol sa pagiging legal ng marijuana sa ating bansa, “I’m for it being used for medical use, but not so for recreational use. Because I think, if people will argue then what about alcohol and cigarettes? Everything is good but in moderation.”
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo




Comments