Botong-boto para sa anak... EDU, IBINULGAR KUNG BAKIT LOVE NA LOVE NI LUIS SI JESSY
- BULGAR

- Jan 30, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

APRUB ang aktor na si Edu Manzano nang matanong kung boto ba siya sa aktres na si Jessy Mendiola para sa kanyang panganay na anak na si Luis Manzano.
Sa guesting ng aktor sa Magandang Buhay, sinabi niyang masaya siya basta nakikita niyang masaya ang kanyang anak.
“Kung saan maligaya si Luis, doon ako maligaya. Hindi ako makikialam,” ang pahayag ni Edu.
Ini-reveal din ng aktor na palagi nilang nakakasama sa mga family gatherings at dinner ang aktres.
Kuwento ni Edu, “Si Jessy is always welcome (sa bahay) at lagi siyang kasama kahit saan kami kumain sa labas. Maganda na gusto mong makita ‘yung anak mo kung paano nadi-develop ang buhay niya, kung happy siya.”
Sa puntong ito, pinuri ng aktor ang kabutihan ng GF ng kanyang anak at ibinahagi kung bakit match na match talaga sina Luis at Jessy.
Aniya, “Nakakatawa si Jessy... I think isa ‘yun sa dahilan kung bakit sila nagkakasundo is because maganda ang kanilang sense of humor.”
‘Yan! Pareho nang aprub sa ina at ama ni Luis Manzano ang kanilang relasyon at paghingi na nga lang ni Luis sa kamay ng aktres ang hinihintay ng lahat dahil ang kanyang ina na si Gov. Vilma Santos ay naiinip na rin.





Comments