top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Babala na dapat mag-ingat sa mga nakasasalamuha

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 30, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Hazel ng Hazel_Biose@facebook. com

Dear Professor, Nais kong malaman kung ano ang kahulugan ng aking panaginip? Ang napanaginipan ko ay ‘yung 2 months old baby ko raw ay gustong kagatin ng aso. Sana, masagot ninyo ito.

Salamat!

Naghihintay, Hazel

Sa iyo Hazel, Sa pag-aanalisa ng panaginip, ang napanaginipan mo ay sinisimbolo ng totoong karanasan sa buhay. Sa ganitong katotohanan, ang 2 months old baby mo at ikaw ay iisa lang.

Ang aso sa iyong panaginip ay ang taong may gusto sa iyo. Kaya ang talagang gustong kagatin ng aso ay walang iba kundi ikaw.

Pero, sino ang “aso” sa buhay ng tao? Siya ay ang kaibigan mo, kaya ang isa sa mga kaibigan mo ay gustung-gusto ka sa kasalukuyan. Gigil na gigil siya at gusto niyang maka-score sa iyo.

Malakas ang pang-amoy ng aso, kaya masasabing sa mga araw na ito, maaamoy ka ng kaibigan mo, kumbaga, kahit hindi ka nagpapakita sa kanya ng motibo, ang isip niya ay nakatutok pa rin sa iyo.

Babala man itong masasabi, mabuti nang mag-ingat ka, kaya narito ang ilang senyales na puwede mong pagbasehan:

1. Ang dikit nang dikit sa iyo ay obserbahan mo dahil maaaring siya ang nagkakagusto sa iyo.

2. Ang palaging nakatingin sa legs mo, gayundin ang lihim na sumusulyap sa mga bahagi ng katawan na masasabing maseselang parte ng tao.

3. Ang nagsasalita na parang kahol nang kahol na nagpapapansin sa iyo, puwedeng siya rin ito.

4. Ang taong palagi kang pinasasaya, binibigyan ka ng kung anu-ano, sunod nang sunod sa iyo at kahit ayaw mo ay palagi siyang sumasama sa lakad mo, kumbaga, kung ang kaibigan mo ay taglay ang ilang katangian ng aso na malapit sa may-ari, obserbahan mo siya.

Rito sa mundo, mahirap paniwalaan, pero ang kaibigan lalo na ang malapit na kaibigan ay maaaring magkagusto sa iyo. Hindi ito naiiwasan, pero hindi ibig sabihin ay magkakagusto rin ang nagustuhan.

Bilang paglilinaw, nasa sa iyo na kung papayag kang magkaroon kayo ng relasyong higit sa pagkakaibigan.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page