top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Arjo, papatayin daw, madir naghamon… SYLVIA SA ALDUB NATION: AKO NA LANG, BARILIN N'YO 'KO!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 30, 2019
  • 3 min read

HINDI na nakapagpigil at nanginginig si Ms. Sylvia Sanchez nang sa wakas ay magsalita na kahapon pagkatapos ng ginanap na presscon ng kanyang bagong movie na Jesusa tungkol sa “traumatic” experience na inabot niya mula sa mga fans nina Maine Mendoza at Alden Richards.

Pigil pa nu’ng una ang mga luha ng mommy ni Arjo Atayde habang nagkukuwento na since September, 2018 pala ay puro banat, pan­lalait at pagbabanta na ang inaabot niya at ng kanilang pamilya mula nang pumutok ang balitang nagde-date sina Maine at Arjo.

Pero maya-maya nga ay napa­iyak na si Ibyang nang sabihing may isang ina ang nag-message sa kanya sa social media at nakikiusap na pagsabihan daw niya si Arjo na tigi­lan at layuan na si Maine.

Kung anu-anong panlalait nga ang ina­bot ni Arjo, ng isa pang anak niyang si Ria at binantaan din ang buhay nilang mag-asawa kaya sumabog na si Sylvia at hinamon ang nag-message sa kanya na mag-face-to-face sila at mag-usap.

Bukod dito, kaya natakot na ang aktres, meron palang ilang AlDub Nations ang nagsabing, “Patayin natin si Arjo. Patayin natin si Ria. Patayin natin si Sylvia. Patayin natin ang Pamilya Atayde.”

Sabi pa ni Sylvia, “At may isa pang nag-post diyan na ‘Isang bala ka lang,’ na alam nating si Arjo ang tinutukoy.”

Bilang ina nga naman, si Ibyang ang unang-unang matatakot para sa buhay ni Arjo na nagulo na nga nang bonggang-bongga dahil sa pagkaka-link kay Maine Men­doza.

Tinanong nga namin si Ibyang kung kinausap ba niya si Arjo para tigilan na si Maine at nang matahimik na ang buhay nila. Pero dahil siguro ayaw nang lumaki ng aktres ang issue, ayaw na niyang sagutin ang tanong at hanggang du’n na lang daw ang kaya niyang masabi.

Ang mensahe na lang daw niya sa ilang AlDub Nations na nagbabanta sa buhay nila, “Ako, bilang ina, sabihin mo na sa akin lahat ng masasakit na salita. Laitin mo na pagkatao ko. Halughugin n’yo na ang nakaraan ko. Sabihin n’yo, patayin n’yo na ako, okay lang. Pero ‘yung mabasa ko ‘yung sasabihin at babantaan ang mga anak ko, tiniis ko, since September, bumigay ako nu’ng Friday.

“Ang pakiusap ko na lang bilang ina, ‘yung pagbabantaan n’yong patayin si Arjo, si Ria, ‘yung asawa ko? Ako na lang. Barilin n’yo ‘ko. Patayin n’yo ‘ko. Tanggalin n’yo ang buhay ko sa akin, tatanggapin ko. Ako na lang. Bilang nanay, ‘wag na ang mga anak ko,” emosyonal pang pakiusap ni Ms. Sylvia Sanchez.

Pero kung mabigat man ang loob ng aktres dahil sa mga bashers ng ArDub (Arjo-Yaya Dub), tuwang-tuwa at maligaya naman si Sylvia dahil kahit alam niyang hindi siya ang first choice sa role bilang Jesusa sa pelikulang idinirek ni Ronald Carballo, pinuri siya ng direktor at sinabing “perfect replacement” siya kay Superstar Nora Aunor na unang kinonsidera bilang bida sa movie.

Nakakaaliw nga ang kuwento ni Sylvia sa presscon ng Jesusa kahapon tungkol sa ipinagawang eksena sa kanya ni Direk Ronald na dapat ay sa isang mata lang siya magpapatulo ng luha.

Ani Ibyang, ang tagal niyang nag-internalize para magawang sa isang mata lang mapatulo ang luha niya. Nu’ng tuluy-tuloy na raw ang patak ng luha niya sa kanang mata, tinanong siya ni Direk Ronald kung ready na siya at sinabihang sa kaliwang mata dapat pumatak ang luha.

Dahil sa pressure, napabulong daw si Sylvia ng “Gago ‘tong direktor na ‘to, ah?” Eh, naka-lapel mic pala siya kaya ayun, narinig ni Direk Ronald.

Pero dahil sa mga pinagsamahan nila sa movie, nagmahalan na raw sila at happy naman si Sylvia na naibigay niya ang mga emosyong hinahanap ni Direk Ronald Carballo.

Anyway, showing na this summer ang Jesusa kung saan co-stars ni Sylvia sina Allen Dizon, Ynez Veneracion, Empress Schuck, Mara Lopez, Malu Barry, Beverly Salviejo, Vince Tañada, Uno Santiago, Dean Rafols, OJ Bacor at may special participation nina Mon Confiado at Fanny Serrano.

Ang Jesusa ay produced ng mga baguhang producers na sina Jean Hidalgo at Junelle Ramos.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page