2 tulak dedbol sa shootout
NUEVA ECIJA—Dalawang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Bacal 2, Talavera sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Zandro Manlapaz at Mario Villo, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation sina Manlapaz at Villo, pero bigla silang nanlaban nang pagbabarilin ang mga awtoridad.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang dalawang suspek.





Comments