Ultimatum ng mga lider, ibinasura ni Maduro
IBINASURA ni Venezuelan President Nicolas Maduro ang ultimatum ng mga lider sa Europe na magkaroon ng halalan dahil sa malawakang kilos-protesta.
Iginiit nito na ang opposition leader na si Juan Guaidó na siya ang lumabag sa konstitusyon ng kanilang bansa sa pagdeklara sa kanya bilang lider.
Dagdag pa ni Maduro, bukas siya sa pakikipag-usap at pakikipagkita kay U.S. President Donald Trump.
Matatandaang, nagbanta ang Britain, Germany, France at Spain na si Guaidó ang kikilalanin nilang pangulo ng Venezuela kapag hindi nagpatawag ng halalan si Maduro.





Comments