top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Tinanong ng crush kung kaya ba niya itong hintayin

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni April ng April_Darlen_Nones@ facebook.com

Dear Professor,

Bakit ganu’n ang ta­nong sa akin ng kaibi­gan ko sa panaginip? Ang sabi niya ay kung mahihintay ko raw ba siya sa 2020 dahil uuwi siya ulit dito sa ‘Pinas, pero hindi ako nakasa­got.

Sa ngayon ay pareho ka­ming walang karelas­yon. Nagkita na rin kami last year sa personal at sa totoo lang, crush ko ‘yung kaibigan ko na ‘yun.

Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

April

Sa iyo April,

Naku, mukhang in love ka. Ganito ang sabi, “love is kind and patient” ‘yan mis­mo ang naka­sulat sa Bibliya. Pansinin mo ang salita sa hulihan, ang sabi “patient” kaya matuto kang maghin­tay.

Ito mismo ang iyong na­panaginipan, ang susi kung paano magkakaroon ng tunay na kaligayahan ang tao.

Marunong ka bang mag­hintay o mainipin ka? ‘Yung tipong masyado kang nag­mamadali at hindi ka nani­niwalang may kani-kan­yang takdang panahon ang lahat ng bagay?

Ang susi sa kabiguan ay nagmumula rin sa itaas da­hil magsisisi ang tao kung hindi siya marunong mag­hin­tay at kung siya ay nag­mamadali sa buhay, halim­bawa, sa pagpasok sa relas­yon, walang katiya­kan kung ano ang kanyang kahihinat­nan.

Pero, bakit mo kaila­ngang habaan ang iyong pa­sensiya?

Una, handa ka na ba sa iyong kinabukasan, may na­ipon ka ba para sa pagpa­pamilya at hindi ka na ba nakaasa sa iyong mga ma­gu­lang at mga kapatid na may kaya?

Noon pa man, ayon sa kasaysayan ng mundo, hindi muna pinag-aasawa ang la­laki at babae kahit sila ay nagmamahalan da­hil hindi puwedeng ba­sehan ang pag-ibig para magkaroon ng mar­riage life, pero kung hin­di na­man iniisip ang marrige life, puwedeng-puwede na sigurong basehan ang love. Sabagay, marami na nga­yon ang pumapasok sa seryo­song relasyon nang dahil lang sa pagmamahal.

Maraming magagan­dang sinasabi ang mga tao tungkol pag-ibig, kaya ang kasabihan sa itaas na mula sa Bibliya ang ating pinili dahil kapag isinabuhay ito ng mga nagmamahalan ay tatanggap sila ng pagpa­pala at mga biyaya.

Pero, sa totoo lang, may relihiyon ka o wala, nagba­basa ka ng Bibliya o hindi, hindi na gaanong ma­halaga ‘yun dahil basta ipinairal mo ang paghi­hintay, gaganda ang iyong buhay.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page