Patintero ni: DTMT
- BULGAR
- Jan 29, 2019
- 1 min read

Ikaw ang taya, ako ang kawawa, sa buhay
na parang patintero ang eksena.
Sa una masaya, pero nang lumaon na ay
nakalimutan na ang ligaya at kumpetisyon ang nanaig sa ating dalawa.
Noon ay magkahawak ang ating mga kamay, ngunit,
ngayon ay bigla mo na lang itong binitawan.
Kailan kaya ako seseryosohin at hindi paglalaruan
ng mga taong aking minamahal?
Sana sa susunod, hindi na patintero ang ating laruin,
tagu-taguan na lang para walang masasaktan sa atin.
Mas mabilis magtago ng feelings kaysa
lumaban kahit alam mong talunan ka pa rin.
Ako ang susugal, ikaw ang tataya, ngunit, sa huli
ako pa rin ang masasaktan at kawawa.
Nakatatawa, ‘di ba? Pero, ganu’n talaga
kapag tanga sa pag-ibig.
Magmumukmok na lang sa gilid, mangangarap
na totoo ang ating pag-ibig.
Itigil na natin ang patintero, halika na’t
magseryoso.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!
Komentar