Kelot tepok sa gumuhong lupa
Pabs Hernandez III
Jan 29, 2019
1 min read
COMPOSTELA VALLEY—Isang lalaki ang namatay nang matabunan ng gumuhong lupa, kamakalawa sa bayan ng Montevista sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay kinikilala pa ng mga awtoridad ang biktima.
Ayon sa ulat, dahil sa malakas na buhos ng ulan ay biglang nagkaroon ng landslide sa kinatatayuan ng biktima kaya natabunan ito ng lupa.
Agad sumaklolo ang mga residente, pero bangkay na nang maiahon sa gumuhong lupa ang biktima.





Comments