top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kaya no show sa concert ni Sharon… ROBIN, ;DI MASIKMURANG MAKA-FACE-TO-FACE SI SEN. KIKO

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2019
2 min read

SAMANTALA, kinumusta rin namin kay Robin Padilla ang relasyon nila ngayon ni Megastar Sharon Cuneta after nitong magtampo sa kanya dahil sa ‘di niya pagsipot sa nakaraang 40th anniversary concert nito sa Araneta Coliseum last Sept. 28, 2018.

Kuwento ni Binoe kaya no show siya sa concert ni Mega, “Si Ma’m (Sharon), hindi pa (kami nakakapag-usap), eh, kasi dapat, eh… Siguro, pagkatapos ng eleksiyon. Kasi ngayon, siyempre, nasa…

“Sa amin kasi, wala naman kaming problema, eh. Maiintindihan din naman ni Ma’m ‘yung panahon na ‘yun,” sabi ni Robin.

Nu’ng mga panahon daw kasi na ‘yun, inaakusahan siyang ang pagtulong niya sa kapwa ay may kapalit at tatakbo siya sa pulitika. Kaya nga raw kahit ang concert ng pamangkin niyang si Daniel Padilla ay hindi rin niya pinuntahan.

“Tapos, natiyempo pa ‘yun nu’ng kainitan ng away namin ni Trillanes. Alam naman ng lahat na ang kakambal ni Trillanes ay si Kiko (Pangilinan). Hindi naman ako puwedeng pumunta sa concert ni Ma’m at makipagkawayan kay Kiko du’n.

“Personal ‘yung away namin, eh. Binabanatan nila ako nang personal. So, pasensiyahan tayo. Ganu’n talaga, naipit kaming dalawa ni Ma’m sa sitwasyon na ayaw namin,” ani Robin.

Kung sila ni Sharon, puwedeng mag-usap pagkatapos ng eleksiyon, puwede pa rin ba silang magkaayos ni Sen. Kiko?

“‘Wag muna ngayon kasi masyado nila akong minaliit, eh, ni Trillanes, eh. ‘Di ko alam, tinatawag nila akong bata raw, pero sila naman ‘yung nagtatago ru’n. Kasi ako, sa totoo lang, kung puwede, walang usapan, eh.

Kung talagang galit kayo sa akin, magkita tayo, ilabas n’yo ang galit n’yo sa akin kasi ‘di ako sanay sa salitaan, eh. Kasi ‘di naman ako pulitiko.

“Kung nagsasalita man ako, kasi ang taas ng tax ko. Karapatan kong magsalita, hindi dahil gusto kong mamulitika. Hindi ko ipagpapalit ang showbiz kung sa pulitika lang,” may himig paghahamon pang litanya ni Robin Padilla.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page