Ex-cop timbog sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Jan 29, 2019
1 min read
CAMARINES SUR—Isang dating pulis ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Pamintan-Bantilan, Siruma sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si ex-police officer Marcial Silva, residente ng Bgy, Poblacion sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, dalawang sachet ng shabu at markadong pera ang nakumpiska ng mga awtoridad sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Silva na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments