Bebot na dehins knows kung paano aalisin ang pagiging iyakin
- ROMA AMOR
- Jan 29, 2019
- 1 min read
Dear Roma, Ako si Tina, 24 years old. May problema ako tungkol sa aking pagkatao, napapansin ko kasi na napakaiyakin ko, kaya gusto kong malaman kung paano ito mawawala? May maipapayo ba kayo sa akin? Sana, matulungan ninyo ako sa aking problema. Salamat! — Tina
Tina, Alam mo, iha, minsan may mga tao talagang napakaiyakin, ‘yung tipong sobrang babaw ng pinag-uusapan, pero naiiyak na sila kaagad. He-he-he! Gayunman, walang masama sa pag-iyak, pero kung sa tingin mo, eh, hindi na normal ang nararamdaman mo, mas mainam kung magpapakonsulta ka sa doktor, gayundin maging matatag ka sa mga hamon ng buhay at siguraduhin mo na bawat pagsubok ay may natututunan ka. Okay? Kaya mo ‘yan, iha! God bless you!





Comments