top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ayon sa mga eksperto... AIR POLLUTION, SANHI NG KALUNGKUTAN!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2019
2 min read

AYAW ng lahat ang polusyon sa hangin dahil bukod sa hindi maganda ang epekto nito sa ating respiratory system, eh, nakapagdudulot din ito ng taghiyawat. Pero, knows ba ninyo na ayon sa ilang pag-aaral, kung gaano ka-polluted ang hangin, ganundin kalungkot ang indibidwal? Weh, ‘di nga?

Isang pag-aaral ang isinagawa sa loob ng ilang taon kung saan nakapokus ito sa epekto ng air pollution sa mga tao sa China na nakatira sa mga mauusok na lugar.

Napag-alaman ng mga researcher na ang maruming hangin ay nakaaapekto sa pisikal na kalusugan, cognitive performance, productivity at Intelligence Quotient o IQ ng indibidwal.

Ngunit, ayon sa pag-aaral mula sa Massachusetts Institute of Technology, ang kalidad ng hangin ay maaari rin umanong makaapekto sa ating pagdedesisyon.

Ayon kay Siqi Zheng, lead author ng pag-aaral, kung malungkot ang indibidwal, mataas umano ang posibilidad na gumawa sila ng hindi makatwirang desisyon.

Gayunman, ayon sa pag-aaral, kapag exposed umano ang indibidwal sa polusyon, mas madalas silang magkaroon ng impulsive at risky behavior na maaari nilang pagsisihan, gayundin, posible itong mapunta sa short-term depression at anxiety.

Upang ma-monitor ang emosyon ng mga kalahok, ginamit ng mga researcher ang social media para makita kung paano nababago ng lebel ng polusyon ang emosyon ng mga kalahok mula sa 144 na siyudad sa China.

Gayundin, gumamit ng machine-learning algorithm ang mga ito upang ma-analyzed ang 210 million geotagged tweets mula sa microblogging platform na “Sina Weibo”.

Samantala, upang makita ng mga researcher ang lebel ng polusyon sa mga siyudad kada araw, ginamit nila ang daily air quality readings na inire-released ng China Ministry of Environmental Protection.

Sinuri ng mga researcher ang mga tweet mula March hanggang November noong 2014 kung saan ginamitan ang mga ito ng machine-trained sentiment analysis algorithm upang malaman ang sentimyento sa bawat post.

Sumunod na sinuri ng mga researcher ang median value ng siyudad sa partikular na araw at ang “expressed happiness index” kung saan 0 ang pinakanegatibong mood habang 100 ang pinakamagandang mood.

Napag-alaman ng mga researcher na may negatibong koneksiyon ang polusyon at emosyon at ang kababaihan ang higit na sensitibo sa mataas na lebel ng polusyon kumpara sa kalalakihan.

Gayunman, payo ng mga eksperto, upang maiwasan ang paglanghap ng maruming hangin, gumamit ng mask nang sa gayun ay hindi pumasok sa ilong o bibig ang hangin at gumamit din ng air purifier sa inyong tahanan upang maging malinis ang hangin na inyong malalanghap sa loob ng bahay.

Naku, hindi lang pala respiratory system natin ang apektado dahil sa hindi mapigilang masamang polusyon kundi pati na rin ang ating mental health, ngunit, huwag kalilimutang sundin ang mga payo ng eksperto at iwasan din nating gumawa ng mga bagay na posibleng makadagdag sa lumalalang polusyon sa ating kapaligiran.

Gets mo?

 
 
 

1 Comment


lekor adams
lekor adams
Jul 03, 2024

According to experts, air pollution can indeed contribute to feelings of sadness and depression. I've experienced this firsthand, which is why I started using an air quality monitor in my home. This device has been a game-changer, providing real-time data on the air quality and helping me take steps to improve it. By identifying and reducing pollutants, I've noticed a significant improvement in my mood and overall well-being. If you're concerned about air pollution's impact on your mental health, I highly recommend investing in an air quality monitor. It’s a small step that can make a big difference in your quality of life.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page