ROAD WARRIORS, NANAGASA NILUBAK AT PINITPIT ANG DYIP


SINAGASAAN ng NLEX Road Warriors ang unang panalo matapos nilang payukuin ang Columbian Dyip, 107-97 kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.
Sinandalan ng Road Warriors ang twin towers nila Poy Erram at Marrion Magat para ilista ang 1-3 karta.
Nagtala si Erram ng conference-high 23 points, 10 rebounds, anim na assists at limang blocks para sa NLEX habang tumipa si Magat ng 14 markers at 13 boards.
Bumakas din si NLEX forward Kenneth Ighalo ng 19 pts. at 11 rebounds habang nag-ambag sina Kevin Alas at Philip Paniamogan ng tig-13 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod.
Lupaypay sa unang dalawang periods ang Columbian matapos silang malamangan ng NLEX ng 26 puntos, 42-68 sa halftime.
Pero biglang uminit ang makina ng Dyip, humarurot sila ng 36-17 sa third period upang ibaba ang hinahabol sa pito ang hinahabol, 78-85 papasok ng fourth quarter.
Subalit hindi nasindak ang NLEX sa lakas na ipinaparamdam ng Dyip, kumapit sila sa kanilang big men tulad nina Erram at Magat.
Maagang rumatsada ang Road Warrios sa simula ng laban, hinawakan nila ang 39-16 sa first canto.
Inirehistro ni JayR Reyes ang 17 markers at siyam na rebounds habang kumana si super rookie CJ Perez ng 16 points, 11 rebounds, limang assists at tatlong steals subalit hindi sapat upang itaguyod ang Columbian sa panalo.
Nalasap ng Dyip ang pangalawang talo sa apat na salang. (ATD)





Comments