Negosyante timbog sa boga
Pabs Hernandez III
Jan 28, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang negosyante ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng baril, kamakalawa sa Bgy. San Mariano, San Antonio sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Honey Sebastian, nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ni Sebastian sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte at dito nakumpiska ang isang baril at mga bala.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearm and ammunitions.





Comments