top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga nasa likod ng pagsabog sa Sulu, tugisin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 28, 2019
1 min read

KAISA tayo sa pagkondena sa naganap na magkasunod na pagsabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng halos 30 katao.

Umaasa tayong mananagot sa batas ang mga salarin.

Hindi maikakaila na tila hinahamon ng mga ito ang gobyerno at gustong makita kung hanggang saan ang kapangyarihan nito.

Gayunman, tiniyak ng pamahalaan na walang sasantuhin sa mga kalaban at tutugisin ang mga ito. Hindi umano mahahabag o maawa ang gobyerno at ipatutupad ang kaukulang batas laban sa mga salarin.

Nakapanlulumo dahil sa kabila ng kagustuhan ng marami na mamuhay nang payapa, may mga taong pilit itong hinahadlangan.

Ang resulta, may mga pangarap na gumuguho at may mga buhay na nasasayang.

Samantala, pakiusap naman sa mga residente ng Sulu, mag-ingat at maging kalmado.

Ngayong panahong nalalagay sa pagsubok ang ating bayan, wala tayong ibang dapat gawin kundi ang lalo pang magpakatatag at magkaisa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page