Mga lider sa europe, nagbigay ng ultimatum
BINALAAN ng ilang lider ng ilang bansa sa Europe si Venezuelan President Nicolas Maduro.
Opisyal na kikilalanin umano ang oposisyon kung hindi magpapatawag ng eleksiyon si Maduro sa loob ng walong araw.
Kasalukuyang nadidiin si Maduro sa kontrobersiya mula nang ideklara ni Venezuelan opposition leader Juan Guaidó na siya ang ‘acting president’ ng bansa.
Mayroon umanong responsibilidad ang Espanya sa Latin America at nais nila ng demokrasya sa Venezuela, ayon kay Spanish Prime Minister Pedro Sanchez.
Gayundin ang hirit ng France at Germany na magdaos ng malayang halalan sa Venezuela.
Ayon kay UK Foreign Secretary Jeremy Hunt, “deeply flawed” ang eleksiyon sa Venezuela kaya hindi maituturing na lehitimong lider ng bansa si Maduro.





Comments