top of page
Pokwang.jpg

Malinaw ayon sa birthday... MAG-ASAWANG NAKATAKDANG UMASENSO SA PAGNENEGOSYO

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 28, 2019
2 min read

Dear Maestro,

Mahirap palang tumanda, Maestro, lalo na kung may kani-kanya nang pamilya ang iyong mga anak. Sa nga­yon ay wala kaming ibang inaasahan kundi ang maliit na pensiyon at ang ibinibigay ng aming mga anak na minsan ay wala pa.

Ako ay 65 years old na at 68 naman ang mister ko, wala kaming trabaho at nasa bahay lang kami. Gusto ko sanang magbago ang buhay namin at magkaroon ng kaunting kaginhawahan.

Mahilig kaming tumaya sa lotto at umaasa na ma­nanalo, ang kaso, hindi kami tumatama ng malaking halaga. July 4, 1953 ang birthday ko at November 11, 1950 naman ang mister ko.

May pag-asa kaya kaming tumama ng jackpot sa lotto at ano ang mapapalad naming numero?

Umasa,

Neneng ng Gulod, Cabuyao, Laguna

Dear Neneng,

Ayon sa birthday mong July 4, 1953 at November 11, 1950 naman ang mister mo, mas mainam na kapag nanalo kayo sa lotto, malaki o maliit mang halaga ay puwede ka­yong magnegosyo ng maliit na tindahan upang hindi kayo umaasa sa inyong mga anak at nang magkaroon na kayo ng libangan habang naghihintay sa paglubog ng araw. Paborable sa inyong kapalaran ang negosyong grocery o tindahan ng bigas.

Bukod sa sarili ninyong numero na 4 at 11 o 2 (ang 11 ay 1+1=2) naman si mister, gayundin ang destiny number mong 2 (7+13+1953=1973/ 19+73=92/ 9+2=11/ 1+1=2) at 1 naman si mister (11+11+1950=1972/ 19+72=91/ 9+1=10/ 1+0=1), mapalad kayong mag-asawa sa lahat ng numerong may sumatutal na 1 at 2, gayundin ang mga numerong may 4 at 9 tulad ng mga numerong 1, 4, 19, 22, 31, 40, 45 at iba pang kauri nito.

Puwede n’yo ring subukan ang mga numerong 2, 11, 13, 25, 28 at 43, gayundin ang 4, 15, 28, 31, 33 at 40.

Samantala, ang inyong masusuwerteng kulay tuwing ma­kikipagsapalaran o tataya kayo sa lotto ay ganito: Dilaw kapag Linggo, berde kapag Lunes, itim kapag Sabado, asul kapag araw ng Huwebes at pula kapag Biyernes at sa sanda­ling nasunod ninyo ang tamang kulay sa tamang araw, madali na kayong makasasapol ng jackpot sa lotto.

Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran sa mga piling buwan ng Pebrero hanggang Marso, Hunyo hanggang Hulyo at Oktubre hanggang Disyembre, lalo na sa panahong bumubuhos ang malakas na ulan at medyo bumabaha na nang unti-unti sa mga pangunahing kalsada at lansangan sa Metro Manila.

Upang mas madali kayong tumama sa anumang uri ng pa­kikipagsapalaran at masapol ang dambuhalang premyo, maghanap kayo ng lotto outlet na malapit sa mataas na buil­­ding, ang lotto outlet na ‘yun na katabi ng napakataas na gusali ang magpapatama sa inyo ng jackpot na nakatakdang mangyari sa taong 2020, sa edad mong 67 pataas at 70 naman si mister.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page