Lolo natagpuang patay
Pabs Hernandez III
Jan 28, 2019
1 min read
ALBAY—Isang lolo ang natagpuang patay sa ilalim ng tulay ng Bgy. Cabraran, Jovellar sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Felix Arellano, 69-anyos at residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa naturang lugar.
Patuloy sa pag-iimbestiga ang pulisya upang mabatid ang sanhi ng kamatayan ng biktima.





Comments