HOROSCOPE | ENERO 28, 2019 (Lunes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 28, 2019 (Lunes): Hindi ka bibiguin ng iyong kapalaran sa gagawin mong mga pagsisikap. Mapalad ka dahil hindi lahat ng nagsisikap ay umaasenso ang buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit makasingit sa iyo ang lungkot, hindi pa rin magbabago ang hangarin mong mas lalo ka pang umangat nang husto. Ito ay nagsasabing nasa tamang landas ang buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-17-29-32-35-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang matakot na magtanong. Ang buhay sa mundo ay walang katapusang pag-aaral at ang ayaw magtanong ay hindi na umuunlad pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-17-20-24-26-35.
GEMINI (May 21- June 20) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon at sa darating pang mga araw dahil sinasabing kahit wala kang gawing anuman sa buhay, ang mga suwerte ay darapo sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-19-21-25-31-32.
CANCER (June 21- July 22) - Dagdag-suwerte ang mapasasaiyo mula sa langit dahil sa ipinakikita mong kabutihan sa iyong kapwa. Ito ay mangyayari dahil gusto ng nasa itaas na ikaw ay magsilbing isa sa mga mabubuting halimbawa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-22-28-38-41-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gigisingin ng nagagalit sa iyo ang natutulog mong angking galing at husay, kaya ang galit niya ay madaragdagan pa ng inggit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-15-26-28-34-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong tingnan ang negatibo sa kapwa mo dahil maaaring malipat ito sa iyo. Hindi lang ang mga karamdamang mula sa hangin ang nakahahawa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-17-20-28-33-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pinagmamasdan ka ng langit, kaya gumawa ka ng kabutihan. Pasayahin mo ang kapwa mo kahit sa simpleng paraan. Ang mga dakilang bagay ang ipagkakaloob sa iyo ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-9-12-17-33-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ihaharap sa iyo ng iyong kapalaran ang mga puwede mong pagpilian na magpapaunlad sa iyong buhay. Ang payo ay nagsasabing, ang piliin mo ay ‘yung alam mo nang gawin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-17-29-31-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gawin mo ang kaya mong gawin sa kabila ng mabigat na tungkuling nakaatang sa iyong balikat. Ang hindi maganda ay ang hindi ka kumikilos. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-21-26-31-32-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Harapin mo ang pinakamahigpit mong kaaway. Ikaw ang mananalo dahil noon pa man, ang mga kontrabida sa buhay mo ay mahihina. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-18-20-21-33-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gusto mo bang mapatunayan na ang hula sa iyo ay totoo? Makipagsapalaran ka at ikaw ay mananalo. Pero, kahit wala kang gawing anuman, susuwertehin ka pa rin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-6-18-25-27-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Biyaya ang dala ng alon ng dagat sa dalampasigan. Napakaraming suwerte ang hatid sa iyo ng mga pagsubok na iyong lalabanan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-17-21-28-39-40.




Comments