Gamitan pa more! IBINULGAR: BALIKAN NINA CARLO AT ANGELICA, PARA LANG SA COMMERCIAL


IBA-IBA ang reaksiyon ng mga netizens sa inilabas na videos nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino sa kani-kanilang Instagram Stories nu’ng January 25 kung saan magkasama ang dalawa.
Unang nag-post ang Playhouse actor sa kanyang IG story kung saan makikitang si Angelica ang may hawak ng cell phone at kumukuha ng video. Sa susunod na IG story na ipinost ni Carlo, maririnig na inaasar niya si Angelica habang kumakain ng manok. Dito ay tinanong din ng Kapamilya actress ang tungkol sa napag-usapan nilang date nu’ng January 27 at ang tagal nito. Nagbiro naman si Carlo kung gusto na bang mag-date ni Angelica.
Sa IG stories naman ni Angelica na may apat na parte, makikita na si Carlo ang may hawak ng camera at dito ay tinanong nito ang Playhouse actress kung papayag ba ito kung yayayain niyang lumabas. Quality time ang idinahilan ni Carlo kung bakit sila lalabas ng aktres. Sa huli ay pumayag din si Angelica sa kondisyon na basta may pagkain.
Nabuhayan ng loob at kilig na kilig naman ang mga CarGel fans sa pag-aayos ng dalawa. Ayon pa nga sa ilang fans, dapat ay positibo na lang at mag-move on sa mga ‘di magagandang nangyari noon lalo’t malapit na ang Araw ng mga Puso.
Pero may ilan namang netizens na negatibo ang reaksiyon at nagsasabing kinain lang ni Angge ang mga binitawan nitong salita noon na ‘di na siya magpo-post ng anumang larawan o videos nila ni Carlo para na rin matigil ang reklamo ng ibang fans ng aktor na nadedehado ito sa kapo-post niya. May ilan ding nagsabi na gamitan na naman ang nangyayari dahil balita na kuha ito sa isang commercial shoot ng isang fast food chain.
Naglabasan din ang ilang larawan ni Carlo kasama ang isang non-showbiz girl sa La Union nu’ng January 15 kaya reaksiyon naman ng iba ay mukhang pang-showbiz lang talaga ang sweetness ng dalawa at ‘wag nang asahan na magkakabalikan pa sila.
Marami ang bumibilib kina Angelica at Carlo dahil sa kabila ng kung anumang problema nila ay ‘di nawawala ang chemistry at propesyonalismo ng dalawa sa Playhouse kung saan mukhang unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Patty (Angelica) kay Dr. Harold (Carlo), mga karakter na ginagampanan nila sa Kapamilya serye.





Comments