Bongga raw talaga…XIAN, IKINANTA ANG SORPRESA KAY KIM SA VALENTINE’S DAY
- BULGAR

- Jan 28, 2019
- 2 min read

HINDI pa masabi ni Xian Lim kung ano ang pasabog niya sa girlfriend na si Kim Chiu on Valentine’s Day. Ever since ay kilala na ang aktor na mahilig magbigay ng sorpresa kay Chinita Princess sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso komo nga ilang taon na rin namang magkasama nila itong ipinagdiriwang.
Matatandaang noong 2016 ay binigyan ni Xian si Kim ng life-size heart-shaped bouquet of flowers. Noong 2017 naman ay binigyan niya ng bouquet of flowers ang aktres at mountain bike at pagkatapos ay nag-mountain climbing sila sa Mt. Pinatubo.
Last year naman ay nag-road trip sina Xian at Kim in celebration of Valentine’s Day.
This year, siyempre, hindi naman sasabihin ni Xian kung ano ang surprise na inihahanda niya for Kim dahil hindi na nga naman sorpresa ‘yun ‘pag sinabi niya.
“Usually kasi sa Valentine’s, hindi kami nagpaplano, nagiging spontaneous lang talaga kami,” he said at the presscon of Hanggang Kailan, movie nila ni Louise delos Reyes.
“Ang alam kong gustung-gusto ni Kim, pumupuntang Subic at nag-a-adventure. ‘Yun nga, ‘di ba, sobra niyang hyper, so ‘yung pinaka-surprise ko sa kanya, ‘Magiging hyper tayo ngayong araw na ‘to,’” sey pa ng aktor.
Samantala, excited si Xian na nabigyan siya ng chance na maging co-producer dito nga sa Hanggang Kailan at pati ang dream niyang maging direktor ay natupad na nga rin at first directorial job niya ang Tabon na entry to Cinemalaya Film Festival 2019 kung saan ay co-producer din siya at siya rin ang isa sa mga scriptwriters.
Hindi pa raw tapos ang casting at hindi pa rin niya puwedeng sabihin ang iba pang detalye. Basta magkakaroon naman daw ito ng presscon soon. Hopefully, first week of February ay masimulan na raw niya ang shooting ng Tabon.
Siyempre, nakakakaba raw since first time niya itong gagawin at aware naman siya na maraming nagtataas ng kilay sa kanya na pinasok na rin niya ang pagiging filmmaker.
“Para sa akin kasi, gusto ko lang gawin ang nasa puso ko, eh. Ang cliché pakinggan, eh, pero ‘yun, eh. ‘Yun po talaga ‘yung matagal ko nang gustong gawin at kelan pa ako magsisimula kung hindi ngayon?”
Sa tingin ba niya ay kaya na niyang magdirek?
“Kayang-kaya,” mabilis niyang sagot kaya biniro siya na sobrang confident niya.
“Hindi naman sa confident pero sino pa ba ang maniniwala sa akin kung hindi ako naniniwala sa sarili ko?” he said.
Oo nga naman.





Comments