Bata nalunod sa ilog
Pabs Hernandez III
Jan 28, 2019
1 min read
ZAMBOANGA DEL NORTE—Isang 10-taong gulang na batang babae ang namatay nang malunod, kamakalawa sa ilog ng Bgy. Poblacion Bajo, Sergio Osmena sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang biktima.
Nabatid na tumawid umano ang bata sa ilog nang bigla itong tangayin ng malakas na agos kaya nalunod ang biktima.
Sinikap pa ng mga residente na iligtas ang biktima, pero bangkay na ito nang maiahon sa ilog.





Comments