top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

MORAES AT TYNANES, BUMIDA SA ONE HERO’S ASCENT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 27, 2019
  • 2 min read

HINDI nagawang makaporma ng dalawang katunggali sa main event ng ONE: Hero’s Ascent nina Adriano Moraes ng Brazil nang gibain sa bisa ng unanimous decision sina Team Lakay veteran Geje Eustaquio at Honorio “The Rock” Banario. Mabisang grappling performance ang ipinatikim ni “Mikinho” Moraes sa bayani at dating titleholder na si Eustaquio at naagaw sa Pinoy ang ONE Flyweight World Championship.

Bagamat kumunekta si Eustaquio ng malilinis at malalakas na upak sa five-round tiff, si Moraes pa rin ang nagdomina pagdating sa palitan ng grappling. Napanatili naman ni undefeated Lowen Tynanes ang perpektong record sa bisa ng first-round finish kay dating ONE Featherweight World Champion Banario sa isang ONE Lightweight World Grand Prix Quarter-Final matchup.

Matapos ang maikling palitan ng upakan, napatumba ni Tynanes si Banario sa match upnang masipa ito. Nang humilata ang Pinoy, agad na dinaluhong ng Kano at binomba ng mabibigat na mga suntok at siko at tuluyang nakuha ang technical knockout victory.

Sa iba pang laban ng dalawang top flyweight contender, maganda ang performance ni dating ONE World title challenger Danny “The King” Kingad, tinalo si Tatsumitsu “The Sweeper” Wada ng Japan sa unanimous decision. Sa buong 3 rounds, si Kingad ay nagpakita ng petmalu na grappling skills. Umiskor ang tatlong judges na pabor kay Kingad na may tsansa na para sa ONE Flyweight World Grand Prix.

Nanatili namang impresibo si Rodtang “The Iron Man” Jitmuangnon ng Thailand sa ONE Super Series campagn nang magwagi kontra newcomer Fah Khaled ng Tunisia para sa UD win. Madalian namang tinilad ni Dutch grappler Reinier De Ridder Si Fan Rong ng China via submission sa first round. Ipinakita ni De Ridder ang Jiu-Jitsu mastery nang patulugin niya sa loob ng 2 minuto sa bisa ng D’Arce Choke ang kasagupa at pasok na siya sa middleweight division.

Muntik na sa knockdown si Japanese striker Hiroki Akimoto sa first round pero nagawang baligtarin ang kapalaran nang manaig kay Australian Josh “Timebomb” Tonna via unanimous decision sa kanyang ONE Super Series debut.

Impresibo naman si Bangpleenoi Petchyindee sa ONE Super Series debut nang gapiin si Brown Pinas ng Netherlands sa bisa ng unanimous decision victory.

Nagwagi rin si Elias Mahmoudi ng Algeria kontra Japanese Ogasawara. Nanalo si Tang Kai ng China kontra Sung Jong Lee ng South Korea. Hindi pinaporma ni Hiroaki Suzuki ng Japan si Bin Mahmoud. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page