Madir ng aktor, 'di nakatiis, naghamon na ng face-to-face… FANS NI MAINE, BINANTAANG PAPATAYIN
- BULGAR

- Jan 27, 2019
- 3 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

HINDI pa man inaamin nina Arjo Atayde at Maine Mendoza ang kanilang relasyon noon ay sobra na ang pambabatikos na natatanggap ng aktor sa mga fans ni Yaya Dub na sobrang obsessed sa tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine.
Malamang, mas tumindi na ang mga batikos na natatanggap ngayon ng Kapamilya actor mula sa mga fans ni Yaya Dub, kaya pati ang ina niyang si Sylvia Sanchez ay nakipagsagutan na rin sa mga bashers sa Twitter.
Nitong Biyernes nang gabi (January 25), sunud-sunod ang mga tweets na binitawan ng ina ni Arjo, na hinahamong makipagkita ang mga bashers ng kanyang anak para bigyang kasagutan ang mga bintang na ibinabato nila sa aktor na diumano’y “user” at ginagamit lang nito ang kasikatan ni Maine para sumikat at mabigyan ng projects.
Unang tweet ni Sylvia, “Oo, ina ako at naiintindihan ko ang sinasabi mo, naiintindihan ko si @mainedcm @arjoatayde naiintindihan din kita @TheFaulkersons at naiintindihan ko din nararamdaman ngayon ng ina ni Maine, halika! Usap tayo, bilang mga ina, bukas kita tayo, Maxim Resorts World coffee shop 7 pm,” ang unang tweet ng aktres.
Dagdag pa niya, “Sobrang galit sa puso mo, sobra mo kami kung sinuhin at laitin!!! Tara!”
May isang fan ni Maine ang nag-comment na: “One more thing Ma’am, if we want to be respected whenever we are, it should start from ourselves. If we want justice and truth to prevail, it should start from ourselves. I admire Arjo from being a good actor but I am dismayed and disappointed of his character.”
Sagot sa kanya ni Sylvia, “Halika! Sama ka kay @TheFaulkersons bukas sa Resorts World, 7 PM, usap din tayo, mas maganda kasi kung personal hindi dito!!!”
Ipinagdidiinan kasi ng ilang fans ni Maine na ang ginawang pag-amin ni Arjo sa relasyon nila ng TV host ay isang malaking kasinungalingan lang.
Sey ng isang fan: “Maine got her fame in a very humble and simple beginnings which makes her phenomenal today. Kahit sino masasaktan sa ginawa ni Arjo na kasinungalingan. Kung ako ang nanay po ni Maine, I’ll never let Maine on your lane esp. to your son Arjo.”
Reply dito ni Sylvia, “Anong kasinungalingan ang ginawa at sinabi ni Arjo? Alam mo ba ang buong pangyayari? Kung may mga tanong ka at gusto mong marinig lahat ng sagot sa mga tanong mo, tara! Makipagkita ka bukas, usap tayo! Ako mismo ang sasagot sa lahat ng mga gusto mong malaman.”
Tila naduwag naman ang basher sa hamon ni Sylvia at sinabing hindi siya makakapunta sa invite ng aktres.
Sey ng basher, “I’m not from Manila Ma’am. No need for personal meet ups. I believe that if you are a good person u don’t have to prove to anyone who you are. ACTION speaks louder than words.”
Balik-sagot ng aktres, “Yes, action speaks louder than words kaya nga gusto kitang makausap para direkta mong masabi sa akin lahat ng hinaing at galit mo. Kaya nga niyayaya kita bukas magkita kasi ayaw ko dito makipag-usap, gusto ko personal. Matitino tayong tao, kaya usap-usap tayo ng matino, personal!”
May isang fan din ang lakas-loob na sinabing “mag-inang mapagbanta” sina Sylvia, at dito ibinulgar ng aktres na binantaan diumano ng mga bashers ang buhay ng kanilang pamilya.
Sey ni Sylvia, “Mag-inang mapagbanta? Kami nga binabantaan n’yo eh!! Patayin ako, Arjo and Ria? Kami pa ang mapagbanta? Isip-isip ka, hah!!! Magpakita ka bukas, usap tayo!! ‘Wag kang magtago sa account na ‘to nang walang mukha! Kung matapang ka, labas mo mukha mo dito!!!”
Naku, sumosobra na talaga ang ilang fans ni Yaya Dub na pati ang pamilya ni Arjo Atayde ay idinadamay na. Sana ay hindi ito maging problema sa kasisimula pa lang nilang relasyon.





Comments