top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

PINAGTIPUNAN, PANOLO SA 1ST WTA AT SPECTRUM

Green Lantern
Jan 27, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

UMAATIKABONG labanan ang magaganap nga­yong hapon sa pagtikada ng Philracom Rating Based Handicapping System Race sa Santa Ana Park, Naic Cavite.

Magaganap sa unang pagkakataon ang labanan ng limang magagaling na kabayo na simula ng Winner-Take-All event sa Race 1, sa pagitan ng mga kalahok na Pinag­tipunan na siyang pinapaboran sa grupo; Exhilarated; Disyembreasais; Hot and Spicy at La Flute De Pan.

Susunod ang Pick 5 event sa Race 2, pinapaboran ang Go Marty Go at Tontoneeto. Ipinapatok naman ang Spectrum at makakalaban ang Ava Jing Pot Pot, Sikat at Gee’s Prize sa Race 3, habang pinipili ang Latest Mo­del Hail Storm at Tequila Princess sa Race ng 2nd Pick 5.

Mahihirapan para kumuha ng pamoste sa 2nd WTA sa Race 5 sa pagitan ng mga kalahok na Mabalos at Changes; Ahala; Brave Galloper at Mat Swerte Ako. Sa Race 6, sinisipat ang Diamond Away at Sir Jeboy sa 2nd Pick 6 at 3rd Pick 5 event pinipili ko ang Entry No.1 Love Affair at Bull Star Rising sa Race 7.

Ipinapatok sa Race 8 ang Storm Chaser habang mag­sisilbing kalaban na mahigpit ang Native American at Flintridge.

Habang sa Race 9, maglalaban ang mga kala­hok na Exceptional Gee; Triton; Batang Arrastre na mag­sisibing paratingan sa WTA, Pick 6, at 3rd Pick 5.

Sa Race 10, pinagpipilian ang mga kalahok na Concert King, Umbrella Girl, I Don’t Mind at June Three. Tatlong mananakbong kabayo ang napipisil kong piliin sa Race 11, ito ang Believable, Entry No.5, Bainbridge, at Awat na Boy paratingan para sa 2nd WTA, 2nd Pick 6, 3rd Pick 5 at Pick 4. Race 1- Pinagtipunan (1) Hot and Spicy (4) Race 2- Constantinople (3) Tontoneeto(7) Go Smarty Go(5)

Race 3- Spectrum (1)Ava Jing Pot Pot(5) Sikat(2) Race 4- Latest Model(1) Hail Storm (3) Popsicle(5) Race 5- Entry No.1 Ahala(9) Entry No.10 Race 6 - Diamond Away (4) Sir Jeboy Race 7- Entry No.1 Love Affair(2) Hardliner(4) Race 8- Storm Chaser (4) Native American (6) Race 9- Exceptional Gee(3) Karapatan(1) Batang Arrastre (4) Race 10- I Don’t Mind(7) Umbrella Girl (5) Concert King (1) Race 11- Awat na Boy (11) Believable (2) Bainbridge(8).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page