top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hangga‘t talamak ang iligal na droga, ‘di matitigil ang mga karumal-dumal na krimen

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 27, 2019
  • 1 min read

HALOS araw-araw, may nagaganap na karumal-dumal na krimen.

Hinoldap pinagbabaril, ni-rape pinatay, dinukot at kinatay. Ang mga salarin, naka-shabu!

Hindi maubus-ubos ang mga iligal na droga na parang kendi na mabibili kahit saan!

Speaking of candy, nasa dalawang kilo ng shabu na nagkakahalagang P12 milyon ang nakumpiska sa Port of Clark.

Nakalagay sa apat na lata ng imported wafers na mula sa Nevada, USA.

Idineklara ang shipments bilang candy at mga damit pambata.

Sa pamamagitan ng x-ray examination, K9 at physical inspections, natagpuan ang mga iligal na droga.

Isipin natin, kung nakalusot ‘yan, ilang buhay na naman ang mapaririwara o mapapatay?

Patindi nang patindi ang problema sa drugs, walang katapusan ang raid o buy-bust operations pero, bakit talamak pa rin?

Ilang tulak na ang nahuli, may mga ibinulgar nang narco-politicians, ‘yung iba, dedbol na pero, nariyan pa rin ang mga drug den at shabu laboratory.

May mga nagsasabing humina ang drug war kaya umarangkada na naman ang mga walanghiya. Nakatuon na raw kasi sa politika ang gobyerno, partikular sa eleksiyon.

Hindi maiwasang tutukan ang halalan, dahil isa ‘yan sa pinapasok ng mga drug lord.

Makapangyarihan ang mga nasa likod ng iligal na droga, kaya nilang bumili ng kandidato na puwedeng manalo, para magamit nilang protektor sa hinaharap.

Kaya sa tanong na bakit kaya hindi maubus-ubos ang droga, baka ito na ang sagot?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page