top of page

Shoutout sa mga lipstick is life riyan...10 BENEFITS NG PAGLALAGAY NG LIPSTICK

  • No Problem
  • Jan 26, 2019
  • 2 min read

KUNG ‘yung iba, eh, kilay is life, mayroon ding mga babae na lipstick is life. Kaya para kahit papaano, eh, may alam tayo kung ano ang mga benepisyo ng paglalagay ng lipstick, narito ang 10 benepisyo nito:

1. PROTECTS AND HEALS. Ang paglalagay ng lipstick ay nakapo­protekta sa atin tuwing malamig dahil nilalagyan nito ng barrier ang ating mga labi, gayundin, kung dry at may sugat ang in­yong mga labi, nakatutu­long ang lipstick para mag-heal ang inyong dry lips. Ito ay dahil sa natural oil at emollients na mayroon ang lipstick na nakamo-mois­tu­rize ng balat.

2. SPF PROTEC­TION. Ang balat sa mga labi ay iba sa balat sa ka­tawan dahil kulang ito sa melanin na pumoprotekta laban sa sun damage, kaya kung may lipstick kayo, for sure, hindi magda-dry ang inyong mga labi.

3. BRIGHTENS SMILE. Uy, ngingiti na ‘yan, char! Yes, beshy, na­kagaganda ng ngiti ang paglalagay ng lipstick lalo na kung ang shade na na­pili ninyo, eh, bagay na ba­gay sa inyong kulay. Oh, ‘di ba, bongga?

4. ENHANCES EYES. Kung gusto ninyong mag-stand out ang inyong mga mata, make sure na mag­lalagay kayo ng lipstick dahil ayon sa mga make-up guru, may kakai­bang epek­to ang lipstick na perfect for the eyes. Wow!

5. DEFINES YOUR LIPS. Kapag naglalagay tayo ng lipstick, mas nade-define ang hugis ng ating mga labi, kaya keri ito kung bet nating maging pouty lips tulad ni Angelina Jolie. He-he-he!

6. PSYCHOLOGI­CAL BOOST. Ang pagla­lagay ng lipstick ay naka­bu-boost ng confidence dahil nagiging presentable ang ating hitsura kapag may lipstick tayo lalo na kung medyo maputla ang ating balat.

7. FRESHEN UP YOUR MOOD. Nakaga­ganda umano ng mood ang paglalagay ng lipstick. Ito ay dahil sa iba’t ibang ku­lay na mayroon ang lip­stick na nakaaakit sa mga mata.

8. IMPROVES BA­LANCE AND COOR­DI­NA­TION. Ayon sa pag-aaral, ang mga taong madalas na nagli-lipstick ay nagkakaroon ng ma­gandang postura, gayun­din, ang pag-i-stretching habang nagli-lipstick ay nakai-improve ng balance at coordination.

9. BEAUTIFY YOU IN LITTLE TIME. ‘Ika nga ng iba, lipstick lang sapat na, kaya kahit wala tayong pak na foundation, eyesha­dow, countour atbp., oks lang dahil kaya nang dalhin ng lipstick ang ating hitsura.

10. HYDRA­TION. Nakaha-hydrate ito ng mga labi lalo na kung de­hins tayo masyadong umi­inom ng tubig. Gayunman, make sure na maganda ang ginagamit ninyong lipstick at hindi ‘yung na­bibili lang kung saan-saan, okie?

Oh, ayan, mga besh, have a beautiful at pouty lips!

Mwah! Hi-hi-hi!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page